Maegan Aguilar at Ka Live In Partner Na Si Oliver Nieto May Maanghang Na Mensahe Kay Sen. Raffy Tulfo!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Gumawa ng sariling Youtube channel sina Maegan Aguilar at ka-live in partner nitong si Oliver Nieto upang doon ihayag ang kanilang side at mga sagot sa mga taong bumabatikos sa kanila.


Matatandaan na naging malaking usapin ang pag-atras ni Sen. Raffy Tulfo sa pagbibigay ng tulong kay Maegan Aguilar matapos na magpositibo ito sa ginawang drug testing.


Samantala, sa vlog na inilabas nina Maegan Aguilar noong April 25, ipinahayag nila kung gaano sila apektuhan matapos tratuhin ng mga netizens bilang malaking katatawanan.


Kinomentuhan din ni Oliver ang paraan ng pagtulong ni Sen. Raffy Tulfo at kung ano ang naitulong nito sa pagnanais ni Maegan na makausap muli ang kanyang ama na si Ka Freddie Aguilar.


Kinukwestyun din nila ang pagsisiwalat ni Sen. Raffy Tlfo sa drug test result ni Maegan publicly at hindi man lamang umano sila nasabihan before hand.


Pinagbibintangan pa nila si Sen. Raffy Tulfo na talagang binalak nitong masira sa buong mundo ang dating singer na si Maegan at upang talikuran ng lahat ng tao.


“Talaga bang plano mong sirain siya sa buong mundo, sa lahat ng tao?” maanghang na tanong ni Oliver kay Sen. Raffy Tulfo.


“Saka bakit ‘yun pala yung pag-uusapan tapos wala man lang prior advice, wala pong nag-inform basta ang sabi niyo lang magbi-video call tayo pero hindi po sinabi na ‘yun na pala ‘yung pag-uusapan,” dagdag pang pahayag ni Maegan Aguilar para kay Sen. Raffy.


Muling ring ipinagdidiinan ni Maegan Aguilar na hindi maaring gawing basehan ng kanyang pagkatao ang isinagawang drugtest sa kanya ng Raffy Tulfo in Action.


Sa kabilang banda, tila kinukwestyun din nina Maegan at Oliver ang capability ni Sen. Raffy Tulfo sa pagpapayo kay Maegan dahil hindi naman umano ito medical expert.


Ipinagdidiinan nilang isa lamang broadcaster si Sen. Raffy Tulfo kaya hindi ito expert sa usapin tungkol sa medical.


Matatandaan, na dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo In Action sina Maegan Aguilar at ka-live in partner nito upang humingi ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot ni Maegan.


Humihingi rin sila ng tulong kay Sen. Raffy na mabigyan sila ng kabuhayan o di kaya ay muling makapasok sa industriya ng showbiz.


Nangako naman si Sen. Raffy Tulfo  na tutulungan si Maegan sa isang kondisyon, maipasa ni Maegan ang drug testing.


Agad namang pumayag si Maegan sa isagawa ang test at tila buo ang loob na negatibo ang magiging resulta nito.


Subalit, nagpositibo si Maegan sa shabu base sa lumabas na resulta ng drug test.


Agad namang umatras si Raffy Tulfo at pinayuhan si Maegan na magparehab. Hindi naman pumayag si Maegan Aguilar dahil ipinagdidiinan niyang hindi siya addict.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo