Alex Gonzaga May Patama Sa It’s Showtime!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang napunta sa actress-host, vlogger na si Alex Gonzaga ang mga mapanuring mga mata ng mga netizens matapos ng ipinahayag niya sa latest episode ng Tropang LoL.


Bagama't, tila nagbibiro lamang si Alex sa kanyang statement sa closing spiel binigyan naman ito ng ibang pakahulugan ng ilang netizens.


Ayon kay Alex Gonzaga, hindi na lamang umano nila tatapusin ang kanilang show na siyang ka-back-to-back ng It's Showtime.


May mga nagsasabing ito ay patama ni Alex Gonzaga sa It's Showtime kung saan nakapasok sa kanilang network at sila na ngayon ang magtatapos.


”Huwag na natin itong tapusin. Waah! Nago-overtime tayo. Huwag na natin silang papasukin,” pagpapahayag ni Alex Gonzaga.


Agad namang siyang sinagot ni Billy at tila ipinaalala na magtatapos na ang kanilang show at hanggang sa April 29 na lang.


Biniro naman siya ni Alex Gonzaga at sinabihang baka babalik na ito sa Showtime dahil mawawala na ang Tropang LoL.


Samantala, hindi naman napigil ng ilang mga netizens ang madismaya sa mga ipinahayag ni Alex Gonzaga dahil tila hindi umano nito matanggap na mauuna pang magwakas ang Tropang LoL sa It's Showtime.


“Ano kaya feeling ni Alex Gonzaga na wala syang show na tumatagal. Infairness naman sa Lol umabot ng 2 years kahit corny ng show, average noontime show sa pinas umaabot ng 5 years so hindi masama medyo lang haha. kesa naman sa inday bote nya na 2 months lang tinagal.”


“When will you ever learn Alex Gonzaga? Wala ka sa hulog magjoke. Also, I did try watching LOL kasi baka entertaining naman, pero waley talaga. Kayo-kayo lang natatawa sa mga jokes nyong corny. Masyadong pilit.”

Talaga ba Catherine? 🤨 pic.twitter.com/2SaRAYQLde

— ALTKapamilyaChannel (@AltKapamilyaCH) April 26, 2023

arial; font-size: large;">


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo