Tunay Na Pagkatao Ni Mayor Bullet Jalosjos at Detalye Sa Laban Nila Ni Tito, Vic, and Joey Sa Programang Eat Bulaga?

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Jerome

 


Mas nagtrending pa ngayon, ang mga ipinahayag na pasabog ng dating Senador at Tv host na si Tito Sotto sa publiko.


Hindi nga napigilan ni Tito Sotto ang magreact sa mga naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos, sa naging panayam nito sa Fast Talk with Boy Abunda.


Si Mayor Bullet Jalosjos ay isa sa mga anak ni Romeo Jalosjos, na siyang nagmamay-ari ng TAPE incorporated.


Isa din umano si Mayor Bullet sa mga Board member ng TAPE incorporated, bilang isang Chief financing officer.


Ayon nga sa naging panayam ni Boy Abunda kay Mayor Bullet, na nagpulong daw umano ang lahat ng empleyado at mga host ng Eat Bulaga, kasama na nga raw dito si Toni Tuviera.


Dito nga ay nilinaw ni Mayor Bullet, na walang katotohanan sa balitang tungkol sa rebranding, dahil rebonding lamang ang nangyari ngayon.


Dagdag pa niya, na maayos daw ang programa at walang tatanggalin na mga host sa Eat Bulaga.


Wala din daw problema pagdating sa finances ng nasabing programa.


Ngunit taliwas ang lahat ng ito, sa mga naging pahayag ni Tito Sotto sa kanyang naging pahayag sa media.


Sa mga naging rebelasyon nga ni Tito Sen sa media, ay inilahad niyang walang katotohanan, ang mga pinagsasabi ni Mayor Bullet, sa naging panayam nito, sa Fast Talk with Boy Abunda.


Ayon nga kay Tito Sen, na may utang pa daw na tag 30 million ang TAPE incorporated, kayna Vic Sotto at Joey De Leon sa taong 2022 pa lamang.


Pati na rin daw ang pagkawala ng 400 million na pera, mula sa political adds na hindi raw nila alam kung saan napunta.


Mali rin daw ang naging pahayag nito na walang aalisin na mga host sa Eat Bulaga.


Dahil una ng plano ng mga Jalosjos na bagohin ang mga host, gaya ng pagtanggal kaina Maine, Paulo, Ryan at Ryza. nagusto daw palitan ng isang batang babae na galing umano sa Dipolog.


Ibinunyag din ni Tito Sotto na hindi, kusang nagretired si Tuviera, dahil ang totoong storya ay pinagretired ito ng mga Jalosjos.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo