Lolit Solis, Pinuna Ang Pangarap Ni Liza Soberano Sa Hollywood!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Pinuna ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang pangarap ng ilang mga Pilipinong artista na makapasok sa Hollywood.


Ayon kay Manay Lolit Solis, ang pangarap ng mga ito ay isang suntok sa buwan, o napakalabong mangyari.


Bagama't ayaw niyang maging killjoy sa mga Pinoy artist na nangangarap na magawa ito sa Hollywood, ipinunto ng beteranang showbiz columnist na marami na ang sumubok at wala pa ring nagtagumpay hanggang ngayon. 


“Ayoko naman maging killjoy sa mga artista na pinapangarap makapasok sa Hollywood, Salve. Mula pa noon ang dami ng nangarap na sana mapansin para magkaroon ng chance na makasali sa isang international movie.”


Sinabi naman ng beteranang showbiz columnist na ganoon din ang pangarap ni Liza Soberano at naniniwala siyang magagawa ito ng talent agency ni James Reid.


“Kung sa talent at ganda, meron naman mga stars natin, pero hayun nga, nauna pa mga chinese at ngayon baka Korean naman ang makapasok, pero wala parin Pinoy.”


Gayunpaman, baka naman umano naiiba ang aktres na si Liza Soberano sa mga nauna nang nabigo.


Samantala, napatanong si Manay kung bakit big deal para sa ibang Pilipino ang makapasok sa Hollywood gayung maganda naman ang kanilang career sa bansa.


“Baka nga hindi pa natin suwerte, at malay mo nga si Liza Soberano ang mauna, who knows di ba. Ewan ko ba kung bakit big deal ang Hollywood deal na iyan kung maganda naman ang career mo sa Pilipinas.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo