Valentine Rosales, Rumesbak Sa Mga Fans Ni Belle Mariano!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Agad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga fans ng aktres na si Belle Mariano ang ibinahaging tweet ng social media personality na si Valentine Rosales.


Ayon sa tweet ni Valentine, hindi niya naa-appreciate ang kagandahan ni Belle Mariano at mas nagagandahan pa siya kay Francine Diaz kaysa rito.


“Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine,” tweet ni Valentine.


Agad naman itong inalmahan ng mga tagahanga ni Belle Mariano.


"ikwento mo yan sa kaluluwa ni dacera na hindi pa rin natatahimik sa 7 eleven cubao."


"Sinugar coat pa ni tanga"


"Ako lang ba di nakaka appreciate ng beauty ni 

@valentinersls

 ?Di ako nagagandahan sakanya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni pipay.."


Agad namang nilinaw ni Valentine ang kanyang tweet at ipinuntong hindi naman niya sinabing pangit ang aktres.


"Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad? Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sainyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste!" pagpupunto ni Valentine.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo