Cristy Fermin, Hindi Naniniwala Na Nagwala Si Paul Soriano Sa Presscon Ni Vanessa Hudgens!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang episode ng Youtube vlog nina Manay Cristy Fermin naibahagi ni Wendell Alvarez ang isyung pagwawala umano ni Paul Soriano sa isang presscon ni Vanessa Hudgens.


Kaya naman hindi naiwasan ni Manay Cristy Fermin na magbigay ng reaction at ipinahayag na hindi siya makapaniwalang nagawa ito ng direktor.


"Ako kasi kung personal na opinyon ko ang tatanungin nila, di ako makapaniwala. Na ang isang edukadong direktor at tao na tulad ni Direk Paul Soriano ay aabot sa pagwawala," saad ni Cristy Fermin.


Gayunpaman, kung sakali mang totoong ginawa ito ni Paul Soriano, hindi umano ito dapat na gayahin ng iba pa.


"Parang ano ito e, 'yung kapangyarihan. Lumalabas na kami ang nakaupo ngayon... Kami ang pinakamakapangyarihan dito kaya amin ito. Hindi maganda 'yun 'di ba?" 


Inihayag din ng beteranang kolumnista ang kanyang panghihinayang sa dating magandang reputasyon ni Paul Soriano na ngayon ay nababahiran na umano ng ka-negahan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo