Lolit Solis Nabigla Na May Nagkasong Kasambahay Kay Ruffa Gutierrez! Maalaga Naman Ito Sa Mga Kasambahay!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag veteran columnist na si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account ang kanyang saloobin hinggil sa dalawang kasambahay na nagsampa ng reklamo laban sa aktres na si Ruffa Gutierrez.


Nasaksihan naman umano nila kung gaano kamaalaga ang pamilya Gutierrez sa kanilang mga kasambahay kaya naman labis na nakakagulat na may dalawang nagreklamo at nanalo pa sa korte.


"In fairness sa pamilya Gutierrez Salve nakita natin na maalaga sila sa mga kasama nila sa bahay. Kaya nabigla din ako ng mabalita iyon kaso ni Ruffa Gutierrez sa mga kasama niya sa bahay."


Bagama't nagulat siya, binigyang-diin naman niya na ang mga katulong sa bahay ay dapat tratuhin nang maayos.


Ibinahagi din ni Manay Lolit Solis na ang pagtrato ng mga Gutierrez sa kanilang mga kasambahay ay matukoy sa bilang ng mga katulong na nakasama nila sa napakatagal na panahon.


Ipinahayag din niya na baka wala namang ibang intention si Ruffa at nag-over act lamang.


"Baka naman over reaction lang ang nangyari ngayon sa kaso ni Ruffa."


Ipinunto pa niya na napaka unfair naman para kay Ruffa kung sasabihing nag mamalupit ito sa kanyang mga kasambahay.


"Huwag din sana magsalita ng hindi tutoo ang mga katulong, sabihin lang iyon talagang nangyari, huwag ng dagdagan pa para walang problema. Maging fair lang sa totoong naganap."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo