Lolit Solis Boto Kay Mark Leviste Para Kay Kris Aquino!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely

 

Naglabas ng saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa isyung may namamagitang romantic relationship kina Kris Aquino at Mark Leviste.


Ayon kay Lolit, matutuwa siya kung totoo ang mga tsismis sa romansa nina Kris at Mark. Naniniwala ang showbiz reporter na makikinabang si Kris sa pagkakaroon ng romantic partner sa gitna ng kanyang problema sa kalusugan.


Dagdag pa ni Manay Lolit Solis mas mabuti naman at good match para kay Kris Aquino si Mark Leviste kaysa sa mga naunang karelasyon ng aktres.


“Matagal narin walang lovelife si Kris, at alam natin na malaki ang naitutulong nito sa buhay niya. Mas madali siyang maka recover pag may inspiration."


"Mas madali para sa kanya ang lumakas pag may isang nasa tabi na umaalalay sa kanya. At kung ito si Mark Leviste, why not ? Achiever din, at socially ka level narin kaya tiyak na walang problema."


Gayunpaman, nauna nang ipinahayag ni Kris Aquino na hindi na niya muling gagambalahin pa ang Vice Governor at pinafofocus na ito sa mga taga-Batangueno.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo