Kris Aquino Pinagsabihan Si Mark Leviste Na Unahin Ang Mamamayan Sa Batangas Kaysa Sa Pagbibisita Sa Kanya!

Linggo, Abril 16, 2023

/ by Lovely


Isinapubliko ng TV host na si Kris Aquino ang kanyang paghimok sa kanyang ‘kaibigan’ na si Batangas Vice Governor Mark Leviste na unahin ang kanyang trabaho bilang public servant sa halip na bisitahin siya sa US.


Matatandaan na noong February binisita rin ni Mark Leviste ilang beses na rin siyang nagbibigay ng mga update tungkol kay Kris Aquino habang siya ay nasa Amerika para magpagamot.


Bagama't ikinatuwa ni Kris Aquino ang presensya at pakikiramay ni Mark Leviste, pinaalalahanan niya ang opisyal na ibinoto siya ng mga taga-Batangas para pagsilbihan sila at hindi siya.


“Please don’t comment anymore, even though they were just emojis,” pahayag ni Kris Aquino kay Mark Leviste.


“Sa mga minamahal ni Vice Gov na mga Batangueno, I have 2 tests left to determine kung kakayanin ko yung ipapasubok na bagong gamot sa kin, praying all goes well because KAYO ang boss nya at wala sa job requirement ng VG ang tumulong mag-alaga sa ‘kin," prangkang komento pa ni Kris.


Ipinahayag pa ni Kris na palagi niyang pinaalalahan si Mark na mas may responsibilidad siya sa kanyang mga constituents sa Batangas kaysa sa pag-aalaga sa kanya.


Ipinunto pa ni Kris na alam niyang mas inuna ang public service kaysa sa romantic relationship at sa pagkakaibigan.


Samantala, sa huli humingi ng pasensya si Kris sa mga taga-Batangas dahil kinailangan niya si Mark upang may masasandalan.


Sinabi rin niyang hindi na niya gagambalahin pa ang Vice-Governor.


"Pasensya na po, kinakailangan ko lang po ng masasandalan at hindi nya ko binigo. Mga Batangueno, hindi na po sya gagambalin para yung FOCUS nya inyong inyo.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo