Kim Molina Pinatulan Ang Pambabast0s Ng Netizen!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely




 Hindi nagustuhan ng aktres na si Kim Molina ang nakakabastos na komento ng isang netizen tungkol sa napansin nito sa kanyang tuhod.


Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sina Kim Molina at ang kanyang jowa na si Jerald Napoles sa Bali, Indonesia. Nag-eenjoy naman sila roon base na rin sa kanilang social media update na sinusundan ng kanilang mga fans.


Samantala, may isang netizen na nagbigay ng komento na hindi nagustuhan ni Kim. Napansin kasi nito ang pangingitim ng tuhod ni Kim.


“Hilig niyo sa doggie itim ng tuhod hahaha,” malisyusang komento ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Kim at nilinaw ang dahilan kung bakit nangitim ang kanyang mga tuhod.


Ani Kim, “Di ko na to dapat papatulan pero okay patola ako ngayon. Sa mga nagtatanong tungkol sa tuhod ko, nag Bali po kami AFTER ng shows ko for Zsazsa Zaturnnah. 17 LIVE musical shows straight, bugbog sa fight scenes, talon dito bagsak doon.”


“Malamang di mo alam dahil di ka naman nanood panigurado. Dinala ako ni Je sa Bali para makapagpahinga. Tigil tigilan mo rin akong sagutin na “Green minded ka Ms. Kim, aso ibig kong sabihin” Pakabastos mo eh,” dagdag pa ni Kim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo