Barbie Forteza, Hindi Iflinex Ang Boyfriend Na Si Jak Roberto Sa Music Fest!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media si Barbie Forteza matapos mapansin ng ilang netizens na nag-post ang aktres ng larawan na wala ang boyfriend na si Jak Roberto.


Nito lamang April 17, nakatanggap ng samu't-saring pambabatikos at komento ang aktres nang hindi niya isinama sa pagpost ang aktor at boyfriend niya si Jak Roberto.


Gayung makikita sa post nito na kasama niya si Barbie at tila proud pa itong ibinahagi sa kanilang fans.


Ayon sa ibang mga netizens na tila hindi sinama ng aktres si Jak sa pagpopost dahil sa takot na baka maapektuhan nito ang namamayagpag nilang love team ni David Licauco.


“Yung kasama sya sa pamangarap mo pero ikaw dka kasama sa pangarap nya hahahaha.”


“Mas gusto nya ata kasama si fidel (David) hahahhaa.” 


Matatandaang sa isang interview inamin ni David na hindi siya sigurado kung hindi ba naapektuhan ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil sa kanilang tambalan.


“Hindi ako sure. Hindi ko alam. Sana wala,” ani David.


Samantala, hindi pa nagbibigay paliwanag si Barbie Forteza kung bakit hindi niya kasama si Jak sa kanyang ibinahaging larawan.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo