Kapatid Ni Kim Chiu na si Lakam, Nakalabas Na Ng Icu Ngunit Wala Parin Malay!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Jerome

 


Matapos na isugod sa hospital at manatili sa intensive care unit, ay sa wakas nakalabas na ngayon ang nakatatandang kapatid ni Kim Chui na sin Lakam.


Ibinahagi ng Tv host actress na si Kim Chiu sa kanyang Instagram story ang magandang balitang ito.


Kasabay nito ay nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanila at sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang kapatid. 


Sa kanyang ibinahaging mensahe sa kanyang social media account ay humingi ng tawad si Kim at sinabi ng actress na hindi siya nakapagreply sa lahat ng mga nagdasal sa kanyang kapatid.


Subalit malaki naman ang kanyang pasasalamat sa bawat isa na nagdasal para sa ikagagaling ng kanyang nakatatandang kapatid.


Nailipat na si Lakam sa isang maayos na kwarto, ngunit hinihintay pa nila ang pagbabalik ng malay nito.


Saad ni Kim sa kanyang Instagram story, "Thank you for all your prayers for my ate Lakam."


"Sorry I was not able to reply, to each one of you. She is out of ICU last night. She is transfered to a normal room."


"We are waiting for her consciousness to regain. Maraming salamat po for praying."


"Tuloy lang po sana tayo sa pagdadasal. Thank you po sa inyong lahat."


Naging matatag ang Tv host actress na si Kim Chiu at patuloy na humihingi ng panalangin, para sa tuloyang paggaling ng kanyang ate na si Lakam. 


Sabi pa ni Kim na, "Sana ay patuloy parin nating ipagdasal ang kanyang kalagayan, na muling manumbalik ang kanyang dating malusog na panganagtawan, noong bago pa siya magkasakit."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo