Willie Revillame Hindi Kayang Gawan Ng Milagro Ang ALLTV!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Muling natalakay nina Manay Cristy Fermin sa kanilang vlog ang tungkol kay Willie Revillame at ang mahinang ratings ng ALLTV.


Muli na namang nagbigay ng saloobin si Manay Cristy Fermin sa pagreresign ni Willie Revillame sa ALLTV ilang linggo matapos pansamantalang pinatigil ng network ang kanyang show na Wowowin.


Ayon kay Cristy Fermin, tila hindi nakayanan ng TV-host ang paggawa ng milagro sa pagpapataas ng signal reach at ratings ng ALLTV.


“‘Yun nga ang sinasabi ng iba na nabunutan na siya sa wakas ng tinik. Kasi ang akala daw siguro ni Willie kaya niyang gawan ng milagro ang ALLTV, ang AMBS2, ‘yung kunin siya bilang tagapamahala ng pamilya Villar.”


Pagpupunto pa ni Cristy Fermin na sadyang hindi kakayanin ni Willie Revillame ang malaking production at ang malaking pangarap ng network lalo pa't inaasa lamang kay Willie ang lahat ng trabaho.


“Napakalaki ng produksyon, malaki ang pangarap ng network na ito, kaya lamang kung ibubunton natin kay Willie Revillame ‘yung trabaho, hindi naman niya kakayanin, kasi wala siyang karanasan.”


Kaya naman tila nabunutan umano ngayon ng tinik si Willie Revillame sa kanyang pagreresign sa ALLTV. 


Tila nagdala rin ng aral sa kanya ang nangyari sa network na kahit gaano pa man siya kagaling ay hindi niya kakayanin ang lahat ng trabaho  kung walang back-up mula sa buong network.


“Yun lamang ‘yung pagre-resign ni Willie Revillame, ‘yung pagsulat na hanggang doon na lamang siya, totoo ‘yun nabunutan siya ng tinik. Napatunayan niya sa kanyang sarili na kapag walang back-up talaga ng buong network hindi mo kakayanin ‘yung trabahong ipinagkatiwala sa’yo.”


Matatandaan na naging kontrobersyal ang pansamantalang pagpapatigil ng ilang programa sa ALLTV network nitong nakaraang buwan, kung saan kabilang ang show ni Kuya Will na Wowowin.


Sa pansamantalang pagkakatigil ng show ni Willie, sinasabi ng ilang netizens na nakarma umano ang host dahil sa pagtawa nito noong nagsara ang ABS-CBN.


Agad naman itong inalmahan ni Willie Revillame hanggang sa lumabas pang sinusumbatan niya ang mga reporter na kanyang natulungan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo