Claudine Barretto, Binabatikos Dahil Sa Pagbabahagi Ng Larawan Ni Santino!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng pambabatikos ang beteranang aktres na si Claudine Barretto matapos ang pagbabahagi niya ng larawan ng kanyang anak na si Santino sa social media.


Hindi nagustuhan ng ilang mga  netizens ang pagbabahagi ni Claudine sa larawan ni Santino dahil napag-alamang hindi pumayag si Santino na ipost ang kanilang larawan.


“Wow Finally, he agreed to have his picture taken with me. I promised not to post this, though,” caption ni Claudine.


Agad na umabot ng million views ang larawang ibinahagi ni Claudine kaya naman nag-aalala ang ilang netizens sa maaring naramdaman ni Santino. Lalo pa't hindi ito pumayag na ibahagi sa lahat ang kanyang larawan.


“If you promised not to post, then don’t. Respect your child’s request. This is important to him at this stage. Don’t ruin the trust,” pagpapayo ng isang netizen kay Claudine.


Agad naman itong sinagot ni Claudine at sinabing ok lang kay Santino ang ibinahagi niyang larawan at natawa na lamang umano ito.


“Ok lang po sa kanya. Alam nya na. Natawa lang po. Hirap po talaga pag binata,” sagot ni Claudine.


Subalit, napansin ng ilang mga marites na burado na ngayon ang ibinahaging larawan ni Claudine Barretto na lalong nagpatibay sa mga haka-hakang hindi nagustuhan ni Santino ang ginawa ng ina.


Samantala, may ilang netizens naman ang pumuna kay Santino dahil napakadramatic umano nito.


Gayunpaman, agad na pinagtanggol ng ilang fans ni Claudine si Santino at ipinuntong hindi lahat ng mga kabataan ngayon ay nagnanais na makita ng buong mundo ang kanilang personal na buhay.


“Let’s not be so negative towards the generation today… Hindi lahat ng kabataan eh kagaya ng mga sinasabi nyo. Once in your younger years may mga ganyan ding bata and it’s not a negative thing to do. 


Older people nowadays expect younger generations to act like an Adult but still treat them like Babies. It’s kinda toxic to assume na kapag kabataan wala na agad alam sa buhay…” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo