Julie Anne San Jose Hindi Pa Din Makapaniwala!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Jerome


Very Honored ang actress at singer na si Julie Anne San Jose dahil sa siya ang napili na umawit ng theme song ng Voltes V Legacy. 


Ang Voltes V: Legacy ay isang paparating na Philippine science fantasy na serye sa telebisyon na ipapalabas ng GMA Network.


Ang serye ay batay sa Japanese anime television series na Chōdenji Machine Voltes V ng Toei Animation at Sunrise.


Ang challenge daw kay Julie ay nirecord niya ang theme song sa original Japanese version nito.


Saad niya, "siyempre isang malaking karangalan talaga kasi I'm singing it in Japanese, like yung mismong theme song talaga, it's harder than I thought it would be."


"Challenge nga ulit siya for me kasi nga ibang lingwahe itong aaralin ko, tapos wala naman akong masyadong alam sa Japanese Language, iba kasi yung tawag nila so I also had to really listen and study it."


Mabilis naman daw na napag-aralan ng actress ang pag-awit sa nasabing theme song kaya naging smooth daw ang recording niya para dito.


Na excite din daw siya dahil party daw ng kanyang kabatan ang panonood ng Voltes V.


Ani niya, "Maraming childhood memories sakin ang Voltes V, bonding time namin ng family ko tuwing manonood kami sa TV ng Voltes V."


"And to sing a theme song yung dating pinapanood ko lang noong bata ako, ngayon parte na rin ako."




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo