Jormiel Labador, Napatanong Kung Nasa Tamang Pag-iisip Ang Kapatid Na Si Rendon Labador!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


Muling nag-react ang content creator na si Jormiel Labador sa pinakabagong kontrobersiyang kinakaharap ng kanyang kapatid na si Rendon Labador matapos inireklamo ng ilang netizens ang presyo ng plain rice sa kanyang bagong bukas restaurant.


Marami sa mga nakapunta sa restaurant ni Rendon ang nagrereklamo sa isang serving ng plain rice sa restaurant ni Rendon na nagkakahalagang 100 pesos.


Agad naman itong sinagot ni Rendon Labador at sinabing kaya ganun na lamang ka mahal ang kanyang rice dahil isang motivitional rice ito.


Kailangan umanong magsikap ng mga taong nais na makaafford nito na nagiging dahilan ng pag-angat nito sa kanilang buhay.


Samanta, ipinahayag naman ng mismong kapatid ni Rendon na si Jormiel ang kanyang reaksyon pricing at sa mga pagkain na nabibili sa restobar nito.


Ayon kay Jormiel, talagang masarap ang mga pagkain sa Episode Bar + Kitchen subalit hindi na umano makatarungan ang mga price nito.


“Kaya nga ako nandito kasi gusto kong kumprontahin si Rendon Labador.Bakit 100 pesos ang presyo ng rice mo, alam mo ba na madaming tao ang nagugutom ngayon, tapos 100 pesos ‘yung rice?”


“Rendon Labador are you out of your mind? Dapat ginawa mo ng 200 pesos nahiya ka pa,” saad ni Jormiel Labador.


Dagdag pa nito na kung sa karenderya at sampung serving na ito ng rice.


“Dapat tanggalin na sa management tong si Rendon Labador,” pahabol pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo