Pokwang Nag-React Sa Balitang May Babaeng Nakakandong Kay Lee O'Brian!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


Agad na nagbigay ng kanyang reaksyon ang komedyanteng si Pokwang, matapos kumalat ang ilang tsismis na namataan ang dating kinakasama niyang si Lee O’Brian sa isang Mexican restaurant na Bonifacio Global City habang nakakandong na isang waitress.


Sa kanyang tweet, tila kinumpirma ng comedienne ang nasabing tsismis ngunit nilinaw niya na wala siyang pakialam kung ano ang gawin ng kanyang ex partner kahit pa nakikisaya na ito sa ibang babae.


“Susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc? hayaan nyo sya masaya sya dahil sa wakas natagpuan na nya pangarap nyang babae at deserve nya yan yeheeeyy congratulations po,” tweet ni Pokwang.


Matatandaan na sa kamakailan guesting ni Pokwang sa Youtube vlog ni Bea Alonzo, matapang niyang inamin na hindi pa rin niya tuluyang nakakalimutan si Lee.


Inihayag din niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang bitterness na nararamdaman niya sa pamilyang nasira nila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo