Jaya, Pumalag Sa Isang Blind Item Ni John Lapus!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng tinaguriang Queen of Soul na si Jaya ang isang blind item na inilabas ng kilalang kolumnista na si John Lapus.


Hindi naman pinangalanan kung sino ang tinutukoy nito subalit tila nabatid ni Jaya na para sa kanya ang patutsadang ito.


Ang blind item ni John ay tungkol sa isang singer sa Amerika na panay tweet ng patungkol umano sa mga anti-trans.


“Mga anak sino daw yung singer na panay ang like ng mga anti trans tweets dito? Di ko nga alam. Singer daw na nasa US na now,” tweet ni John Lapus.


Agad naman itong napansin ni Jaya at kaagad na niretweet kalakip ang kanyang mensahe.


“John I am not anti trans but if you will follow @againstgrmrs they are a group of lgbt that is against grooming young children here in America to get surgery without consulting with their parents and these kids can’t even drink alcohol or get a tattoo.”


“Sana you guys can ask me what is going on before assuming what I believe and am tweeting. Mas ok if magtanong muna. Wala kayo dito so you are not aware of our daily lives here. 🙏🏼❤️,” mensahe ni Jaya.


Samantala, habang sinusulat ang artikulong ito, wala pang naging tugon si Sweet o John Lapus sa nasabing tweet ni Jaya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo