Gardo Versoza, Agad Na Nagpunta Sa Simbahan Matapos Ma-Discharge!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay napabalitang naospital ang aktor na si Gardo Versoza dahil sa isang atake sa puso.


Naipasok ang aktor, sa ICU sa loob ng ilang araw at kamakailan lamang ay na discharge na.


Sa isang Instagram post nagbahagi ng update ang asawa nitong si Ivy Vicencio tungkol sa kasalukuyang kalagayan ngayon ng aktor.


Ayon kay Ivy, na nakalabas na sila sa hospital subalit matapos ang dalawang buwang ay muling sasailalim sa angioplasty upang gamuting ang kanyang heart illness.


Ngayon, panahon ng pagninilay nagpunta si Gardo sa Simbahang Katoliko upang makiisa sa mesa habang sakay sa wheelchair.


“Maraming Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng nag dasal at nag alala kay Gardo "Cupcake" Versoza .. sa sobrang dami nyo po hindi ko na masagot ang mga private message ninyo .. mga comment at tawag. Pasensya na po."


Hindi naman nalimutan ng asawa ng aktor ang pagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nagdasal para kay Gardo Versoza.


”Medyo ok na po sya at pinayagan na muna ng mga doctors nya na maka uwi. After 2 months mag undergo po sya ulit ng isa pang Angioplasty. Hindi naisabay nung una dahil may Heart Attack na nangyayari. Again .. taos pusong pasasalamat po sainyong lahat.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo