WynWyn Marquez Sinagot Na Ang Naging Pahayag ni Alden Richards Na Muntik Na Silang Magkaroon Ng Relasyon!

Huwebes, Abril 13, 2023

/ by Lovely


 Pinaunlakan ng actress-beauty queen na si Wynwyn Marquez ang imbitasyon ng King Of Talk na si Boy Abunda ng isang panayam kasunod ng pagsisiwalat ni Alden Richard sa parehong programa na muntik na silang magkaroon ng relasyon noon ni Wynwyn.


Ayon kay Alden, naudlot ang kanilang pagkakamabutihan dahil pareho silang naging busy sa kani-kanilang trabaho sa showbiz.


Nito lamang April 12, inere ng Fast Talk With Boy Abunda ang panayam kay Wynwyn Marquez kung saan kabilang sa mga naitanong ni Boy Abunda ay tunkol sa pahayag noon ni Alden na 'muntik na' silang magkatluyan.


“Noong dumalaw sa amin dito si Alden, na-mention niya na muntik na… What’s the story?” tanong ni Tito Boy.


Inamin naman ni Wynwyn na nakita niya ang interview noon kay Alden dahil marami umanong nagtag sa kanya roon.


Sinigundahan naman ni Wynwyn ang sinabi ng aktor na dahil sa trabaho. Kaya naman ayon kay Wynwyn na wala na siyang anumang masasabi tungkol sa nakaraan.


 Sinabi rin ni Winwyn na nananatili pa rin silang mabuting kaibigan si Alden Richards.


Samantala, nilinaw naman ni Wynwyn na hindi nanligaw sa kanya noon si Alden, walang dalaw o pagbibigay ng flowers man lang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo