FiLay Muling Bibida Sa Isa Pang Historical Teleserye!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na scoop na muling bibida ang pinag-uusapang love team ngayon sa GMA7 nina Barbie Forteza at David Licauco.


Sa isang Facebook post mula sa kilalang GMA fan page, ibinahagi nilang may nillutong malaking telesrye ngayon ang Kapuso network para sa dalawa, may pamagat umano itong Pulang Araw.


Gagampanan umano ni Barbie ang papel ng isang Pilipinang Spy habang magiging Sundalong Hapon naman si David.


Dagdag pang impormasyong ibinahagi ay ang pagpapalabas umano nito sa taong 2024.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens lalo na mula sa mga fans ng dalawa.


Samantala, wala pa namang anumang kompirmasyon mula sa Kapuso network o mula sa kampo ni Barbie na may proyekto nang ganito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo