Ina Ni Jake Zyrus Tinawag Na Tanga Ni Ogie Diaz!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Nag-react na ang showbiz insider na si Ogie Diaz laban sa pambabanat ng ina ni Charice Pempengco na kilala ngayon bilang Jake Zyrus.


Matatandaan na unang inalmahan ni Ogie Diaz ang naging pahayag ni Raquel Pempengco tungkol sa naging performance ni Morissette sa naging concert ni David Foster.


Naiintindihan naman umano ni Ogie Diaz na ipinagtatanggol niya lamang ang anak, subalit mali na umano ito dahil mat tinatapakan na itong tao.


Sa kabila nito, hindi pa rin tumigil ang ina ng singer at naglabas pa ng resibo na magpapatunay umano na mas magaling si Charice.


Hinamon pa nito ang showbiz insider na maglalabas siya ng patunay na hanggang ngayon ay matagumpay pa rin ang kanyang anak bilang si Jake Zyrus.


Subalit sa nakalipas na mga araw ay hindi naman nagbahagi s Raquel ng mga resibong nagpapatunay sa kanyang naunang post.


Samantala, sa isang Instagram story ipinahayag na ni Ogie Diaz ang kanyang bwelta kay Mommy Raquel, kahit pa hindi niya ito pinangalanan.


“Tanga rin pala itong nanay ng isang singer, eh. Kakakain mo ‘yan ng halo-halo Mommy! Panoorin mo kasi yung buong eoisode na yon ng Showbiz Update. Tagalog naman yon, ‘di mo maintihan?”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo