Janice De Belen Nagpatutsada Na Rin Online?

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


 Tila naglabas na ng saloobin ang aktres na si Janice De Belen, matapos madawit ang kanyang pangalan sa sunod-sunod na hugot ni Priscilla Meirelles online.


Kumakalat at pinag-uusapan ngayon online ang nakakaintrigang post ng ex wife ni John Estrada sa gitna ng marital isyu nila ng kanyang kasalukuyang asawa na si Priscilla Meirelles.


Makikita sa isang Instagram post ni Janice ang mga cup na pinaglalagyan ng free taste sa loob ng isang grocery store o sa mga supermarket.


 “LAHAT NG FREE TASTE SA GROCERY DI KO PINAPALAMPAS! PAKINABANGAN PA KAYA AKO LATER????” caption ni Janice sa kanyang post.


Bagama't hindi naman talaga bago ang mga free taste sa mga grocery stores, marami pa rin ang umiintriga sa post ng aktres at kinonekta sa kasalukuyang isyu ng mag-asawang John at Priscilla.


“Uy totoo hugot ba ‘yan?”


“Ay oo nga may HUGOT”


“Ms Janice nakakarma na si ex mo @johnestrada__ babaero talaga!”


Samantala kasalukuyan nang burado ang nasabing post ni Janice De Belen.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo