Dingdong Dantes at Marian Rivera Nag-alala Sa Nangyari Kay Boobay Fast Talk With Boy Abunda!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Labis ang pag-aalala ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang makarating sa kanila ang balita ng pagcollapse ni Boobay sa guesting nito sa programa ni Boy Abunda.


Nauna nang naiulat ang biglaang pagcollapse ni Boobay sa kalagitnaan ng panayam nila ni Tito Boy sa programang Fast Talk.


Agad naman itong dinaluhan ni Tito Boy nang mapansing hindi na ito nakasagot at nakatulala na lamang.


Naging maayos naman ang kalagayan nito sa tulong ng ilang mga medical staff at nang makapagrelax.


Samantala nakarating umano ang balita kila Dingdong dahil may nag-send ng video link sa kanyang asawang si Marian ng nangyari kay Boobay.


Aniya, nasa dinner daw silang mag-asawa noong malaman ang nangyari kay Boobay at agad naman itong tinawagan ng Kapuso Primetime Queen ngunit hindi raw ito sumasagot. Kaya labis-labis na ang kanilang pag-aalala.


“Kinabahan kami. We were really really worried kasi alam nating talagang si Boobay, syempre nanggaling sa isang karamdaman na nakapag-recover naman siya doon, so when I saw it ‘how was he?’,” tanong ni Dingdong kay Tito Boy nang mag-guest ito sa Fast Talk.


Ibinahagi naman ni Tito Boy ang buong pangyayari at kung paanong hindi nila kaagad napansin na may iniinda na pala si Boobay dahil maayos naman ang kanilang pagsisimula.


Inakala lamang umano ni Tito Boy nung una na naging emosyunal lamang si Boobay sa kanyang pag-alala sa kanyang naging journey sa showbiz.


“Sinusubukan namin siyang tawagan kagabi nung napanood namin pero naiintindihan naman namin kung hindi pa niya masasagot pero mabuting malaman na nasa mabuti siyang kalagayan ngayon at nagpapahinga siya,” saad naman Dingdong.


Isiniwalat pa ni Dingdong, kung paano pinagsasabihan ng kanyang asawang si Marian Rivera si Boobay na palaging alagaan ang sarili lalo pa't nastroke na ito noon.


Itinuturing BFF sa showbiz ni Marian Rivera matapos magkalapit ng husto matapos magsama sa ilang mga projects at shows.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo