Enrique Gil Nagreact Sa Carreer Move Ni Liza Soberano!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


 Nagreact na ang Kapamilya actor na si Enrique Gil sa desisyon ng aktres at girlfriend niyang si Liza Soberano hinggil sa career move nito.


Hindi naman controversial issue ang desisyon ni Liza Soberano na pasukin ang Hollywood. Subalit naging controversial ito dahil sa kanyang mga naging pahayag upang i-justify ang kanyang desisyon.


Para sa maraming netizens, tila naging ungrateful si Liza sa ABS-CBN at sa kanyang dating manager. Sa ngayon ay under na si Liza sa Careless Management. Si James Reid naman ang kanyang bagong manager.


Samantala, hindi naman nagbago ng landas ang dating ka loveteam at boyfriend ni Liza Soberano na si Enrique Gil. Nananatili pa rin ito bilang isang Kapamilya actor kung saan siya sumikat.


Kamakailan lamang ay muling pumirma ng exclusive contract si Enrique Gil sa ABS-CBN. Nagpapatunay lamang ito sa kanyang loyalty sa nasabing network.


Sa isang panayam, naitanong kay Enrique Gil kung ano ang kanyang saloobin sa pagbabago ng career moves ni Liza Soberano.


Agad naman itong sinagot ng aktor at nilinaw na suportado niya ang anumang desisyon ng nobya. Masaya rin umano siya na unti-unti na itong gumagawa ng sariling pangalan sa Hollywood.


Nilinaw rin ni Enrique na bagama't malayo sila sa isa't-isa they still manage to have time and flourish their relationship.


“I just really support her no matter what. I know it’s hard going on a new path. But I support her nonetheless,” pahayag ni Enrique.


Sa muling pagpirma ni Enrique Gil ng kontrata sa ABS-CBN natuldukan na ang isyung lilipat ito sa ibang network at tila ito na rin ang pagbabalik ni Enrique Gil sa paggawa ng mga teleserye matapos ang showbiz hiatus nito noong makansel ang teleseryeng Make It With You.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo