Direk Darryl Yap, Itinuturong Third Party Sa Hiwalayang Jerome Ponce at Sachzna Laparan!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Itinuturong third party at dahilan ng hiwalayan nina Sachzna Laparan at Jerome Ponce ang controversial director na si Darryl Yap.


Naging mainit na usapin online ngayong linggo ang breakup nina Jerome at Sachzna. 


Nag-ugat  ang usaping ito nang mapansin ng mga netizens na nag-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram at ibinahagi ng vlogger ang kanyang "docuweek" na nagpapakita ng kanyang emosyonal na estado.


Ibinahagi din ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz na sinabi umano ni Sachzna na humingi ng space si Jerome. Subalit kalaunan ay nakita niyang nakikipag-hang out sa ibang babae. 


Samantala, may isang haka-haka ngayon na may isang netizens na si Direk Darryl Yap ang pinagbibintangang third party sa hiwalayan ng dalawa.


May nakakita umanong magkasama kamakailan sina Darryl Yap at Jerome Ponce sa Olonggapo.


May nagsasabi pang naispot-an ang dalawa na magkasama magdamag sa Shangri-la at sa isang coffee shop.


 “Na shock ako True ba? C direk ba ang dahilan… Sachzna Laparan Be Strong,” mensahe ng isang netizen.


Tila pinabulaanan naman ito ng direktor sa kanyang Facebook post.


“Napakaganda mo naman Darryl Yap. Susunod na balita, Buntis na ko.”


Naging magkatrabaho sina Darryl Yap, Jerome Ponce at Sachzna Laparan sa pelikulang Martyr or Murderer. Kung saan ginampanan ni Jerome Ponce ang papel ng young Ninoy Aquino habang ginampanan naman ni Sachzna ang papel ng young Cory Aquino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo