Doctor Willie Ong, Itinanggi Ang Allegations Ng Kampo Ni Kris Aquino!

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng official statement si Doctor Willie Ong hinggil sa natanggap na demand letter mula sa mga abogado ng Queen Of All Media na si Kris Aquino.


Matatandaang na-feature ang mag-asawang doktor na sina Doc. Willie at Doc. Liza sa ilang product ads sa social media, kabilang ang macadamia nuts.


Gumamit ang mga social media pages ng larawan ni Kris Aquino at in-edit ito para maisama sa mga larawan ng celebrity doctor.


Nauna nang naiulat ang pagbibigay ng demand letter ng Divina Law, na pinagkatiwalaan ni Kris na ihandle ang reklamo laban kay Doc. Willie Ong.


Kaya naman naglabas na ng pahayag ang doktor hinggil sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa mga naglabasang fake ads.


Ayon kay Doc. Willie Ong, siya rin ay biktima ng mga ito at matagal nang nagrereklamo sa Facebook sa mga naglabasang fake accounts na ginagamit ang kanyang pangalan.


Ipinunto pa ng doktor na wala siya inendorsong produkto maliban na lamang sa Birtch Tree na para sa mga senior citizens.


“Wala po ako ine endorse na kahit anong produkto except for one which is Birch Tree Advance, which is a charity advocacy for seniors."


"All the rest including Mixed Nuts are fake po. I am not the endorser or the owner of these fake FB pages using my name. The fake ads issue is a worldwide problem of influencers.”


Dagdag pa ni Doc. Willie Ong na ang kanyang totoong account at may blue check mark na may mahigit 17 million followers.


“My official page has a Blue Verified check mark named Doc Willie Ong with 17 million followers. All FB pages with only a few followers using my name are fake pages po."


"I have no control on what fake pictures they post. I have reported this to FB for the past 5 years with little success since the scammers just keep making new FB accounts. This is a problem of many influencers. I hope you can clarify this and not harm my reputation. Salamat po,”  pahayag ni Doctor Willie Ong.


Naniniwala din umano si Doc. Willie Ong na na misled ng mga fake ads ang mga abogado ni Kris Aquino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo