Mga Host At Staff Ng Eat Bulaga, Sinakripisyo Talent Fee Para Magpatuloy Ang Show?

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 May panibago na namang pinag-uusapan ang mga marites online, may mga lumalabas na haka-haka na sinakripisyo umano ng mga host at staffs ng Eat Bulaga ang kanilang talent fees upang makapagpatuloy lamang ang show.


Tila pumayag umano ang mga ito na bawasan ang kanilang talent fes upang walang matatanggal sa kanila at makakapagpatuloy ang show.


May usap-usapan pa na ang unang pumayag sa ganoong kondisyon ay ang pangunahing hosts ng show na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Matatandaan na nauna nang napag-uusapan online ang pagkakaroon ng pagbabago sa Eat Bulaga. Napag-uusapan pa na may papalitan at tatanggaling hosts at staff sa show.


Naiulat pa ang paghahanap ng bagong tahanan ng show sakaling hindi naging maganda ang usapan nila ng GMA7.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo