Dennis Padilla Iniwasan Si Gerald Anderson Sa MMFF Parade Of Stars?

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng usapin online ang biglaan pagkawala umano ng aktor na si Dennis Padilla sa naganap na MMFF Parade Of Stars kamakailan lamang na tila ba'y may iniiwasan umano ito.


Sa isang episode ng Showbiz Update ng showbiz insider na si Ogie Diaz kasama ni Mama Loi, biglaan natanong ni Mama Loi kung ano ang nangyari at bigla na lamang nawala si Dennis sa naganap na Parade of Stars.


“Kapansin-pansin na wala siya doon sa mga activities bago sa pagsampa at pagkatapos ng pagsampa ng artista sa float, nandon lang siya sa float, tapos non wala na,” saad ni Mama Loi.


“Iniiwasan niya ba si Gerald Anderson kasi halos magkasunod ‘yung float nila eh?” dagdag pang tanong ni Mama Loi.


Agad naman itong sinagot ni Ogie Diaz na nakausap umano niya si Dennis at sinabi nito sa kanya na hindi naman niya iniiwasan si Gerald Anderson at iba ang kanyang iniiwasan roon.


“Hindi daw niya iniiwasan si Gerald Anderson, ang iniiwasan ni Dennis ay matanong ng mga press. Hangga’t kaya niyang huwag magsalita ay gagawin niya,” sagot ni Ogie Diaz.


Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nareresolba ni Dennis Padilla ang kanyang isyu sa pagitan ng dating asawa na si Marjorie Barretto at mga anak niya rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo