Darryl Yap, Inirereklamo Ang Architect Ng Pinapatayong Bahay!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


 Lumilikha ngayon ng ingay sa mundo ng social media ang Maid in Malacanang at Martyr or Murderer Director na si Direk Darryl Yap, matapos nitong ireklamo ang architect ng ipinapatayong bahay.


Labis na nadismaya ang direktor dahil sa ilang mga kapalpakan umano ng architect sa ilang mga detalye ng kanyang bahay at hanggang ngayon ay hindi pa ito matapos-tapos.


Noong April 14, isiniwalat ni Darryl Yap ang update patungkol sa kanyang dream house.


“Pagkatapos saluhin ng dalawang construction firm ang pagbuo ng aking dream house, ngayong halos tapos na ito, ngayon ko pa lang natatanggap ang katotohanang kahit gaano ka kasmarte, kahit talagang mabusisi ka at makwenta— hindi ka makakaligtas sa mga mayabang, walanghiya at mapagsamantalang arkitekto, kahit pa miyembro ng MASON ‘yan,” post #1 ni Direk Darryl Yap.


Ipinagdiinan pa ng controversial director, na hindi para sa kanyang sarili ang pagrarant sa architect kundi para sa lahat ng mamamayan na maaring maloko ng mga taong ito.


Samantala, matapos umanong magpost ni Direk Darryl Yap, agad na tumawag sa kanyang ina ang archtect upang makiusap na ipabura ang kanyang Facebook post.


"hindi ko naman binanggit ang pangalan mo sa unang post ko, bakit may nalalaman ka pang patawag-tawag sa nanay ko, na kung maaari ay burahin ang post ko?"


Gayunpaman, hindi pa rin nagpapigil si Darryl Yap at isa-isang ibinahagi ang kapalpakan na ginawa ng architect mula sa wirings hanggang sa hindi pantay na flooring ng umano'y dream house niya.


“Nagkaproblema kami ng Arkitek/Contractor ko sa mga wirings na hindi ko nakikita, sa mga pinto, sa sukat ng hagdan, sa hindi pantay na flooring, sa mga salamin, sa sanitary fixtures— sa madaling salita, nakompromiso ang kalidad dahil tinipid. Kulang ba ang budget? Sinasagot ko naman lahat ng additional—kahit pa nagkapirmahan na sa umpisa pa lang.”


Samantala, dahil sa sunod-sunod na pagbabahagi ni Darryl Yap, nagbabanta ngayon sa kanya ang architect na kasuhan siya ng libel. Hindi naman natinag si Direk Darryl sa pagbabantang ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo