Kapatid Ni Maggie Wilson Nagreact Sa Mga Larawang Ibinahagi Ni Rachele Carrasco!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagpigil ang kapatid ni Maggie Wilson at napa-react na sa mga larawang ibinabahagi sa social media ng rumored lover at mistress ni Victor Consunji.


Kamakailan lamang, tila bina-brag pa ni Rachele Carrasco, tinuturong babae ni Victor, ang kanilang anak Victor at ang bonding moment nila kasama si Connor.


Si Connor ay anak nina Maggie Wilson at Victor Consunji.


Matatandaan na naunang ipinahayag ni Maggie Wilson na hindi siya pinapayagang makita ang anak nila ni Victor na si Connor.


Kaya naman naglabas na ng kanyang reaction si Beth Wilson, kapatid ni Maggie Wilson, sa mga ginagawa ngayon ni Rachele.


Ibinahagi pa niya ang ilang beses na pakiusap niya sa kanyang pamangkin na makipagkita sa kanya simula pa noong January.


"When you haven’t been able to see or talk to your nephew since January and then you see other people just casually posting a photo while other people are hurting! Do some people just have no feelings at all? My heart breaks and I can only imagine how much my sisters heart aches!"


Bagama't hindi naman binanggit ni Beth kung sino ang kanyang tinutukoy na one person sa kanyang post alam na ng lahat kung sino ito.


Kamakailan lamang ay tila ininggit pa ni Rachele Carrasco si Maggie Wilson sa pamamagitan ng pagbabahagi ng bonding moments nila ni Victor Consunji at anak nitong si Connor.


Bilang isang ina, tiyak na nasasaktan si Maggie dahil hindi niya nakakasama ang kanyang anak na tila masaya pang hindi na siya kasama.


Noong July 2022, ipinahayag ni Maggie Wilson ang kanyang pangamba para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya matapos umanong “iligal” na pasukin ng staff ni Victor ang kanyang tahanan. 


Kasunod ng insidente, binigyan ng court order si Maggie ng 72-hour Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Victor Consunji Development Corporation, Victor Consunji, at Bernabe Mendoza.


Kasalukuyan ding nahaharap si Maggie Wilson sa kasong Adultery na isampa sa kanya at sa kanyang business partner na si Tim Conner ng asawang si Victor Consunji.


Subalit, tila maging si Victor ay hindi rin naging faithful sa kanilang kasal ni Maggie dahil sa isyung nagkaanak ito kay Rachel Carrasco.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo