Barbie Forteza Pinapili Between Love Or Career?

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang naku-curious sa kung ano nga ba ang priority ng Kapuso actress na si Barbie Forteza, ang kanyang nobyo bang si Jak Roberto o ang ka-loveteam niyang si David Licauco. 


Kaya naman nang magpaunlak si Barbie ng #AskBarbie sa kanyang Twitter acount, hindi napigil ng ilang netizens na  tanungin ang aktres ng personal na bagay.


Isa sa mga katanungan ng netizens kung ano ang pipiliin niya between love or career.


Sinagot naman ito ni Barbie Forteza na mas uunahin niya ang kanyang sarili.


Agad namang umani ng samu't-saring komento ang sinagot ni Barbie Forteza.


May mga nagustuhan ang isinagot ng aktres dahil sa pag-uuna nito sa kanyang sarili bago ang lahat.


"Love your answer Barbie.and love yourself first."


"Self Love.. Always choose yourself every day.. hindi un pqgiging selfish.. pag isipan mong mabuti and ask god for guidance ."


Gayunpaman, hindi pa rin maiwasang may ilang netizens na iniintriga pa si Barbie at sinabing playing safe ang aktres.


Dahil kung ang isasagot nito ay love tiyak na magtatampo ang mga fans nila ni David Licauco at kung career naman ang pipiliin ng aktres tiyak na masasaktan si Jak Roberto.


Kaya para makaiwas ay walang pinili si Barbie kundi ang kanyang sarili.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo