Catriona Gray at Sam Milby Pinakilig Ang Netizens Sa Kanilang Tokyo Vacation Bilang Engaged Couple!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Jerome

 


Ang Beauty Queen na si Catriona Gray ay tila nasa ulap habang namamasyal kasama ang kanyang Fiance na si Sam Milby sa Tokyo Japan.


Sa Instagram ay ibinahagi ni Catriona ang ilang mga larawan nila ni Sam na kuha sa pagbisita nila sa pinakamataas na building sa Tokyo Japan na Skytree kung saan sila ay nagpalitan ng mga larawan sa isa't-isa.


Nag bahagi din ang Beauty Queen ng isang skyline na tanawin mula sa pinakamataas na building sa tokyo.


Pati narin ang isang sweet selfie nila ni Sam kung saan makikitang hinalikan siya ni Sam sa pisngi.


Sa caption ng nasabing post ng Beaty Queen ay sinabi nito na ito ay ang kanilang unang biyahe bilang engage couple habang sila ay namamasyal sa Tokyo Japan.


Caption niya, "Our first trip as an engaged couple 🥹 exploring the city of Tokyo. 💓 @samuelmilby"


Matatandaang nag propose si Sam kay Catriona noong February, 2023 matapos ang halos tatlong taon ng kanilang relasyon.


Ibinahagi nila ito sa social media sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang larawan na kitang-kita ang sing-sing ng Beauty Queen na may hawak na cup of coffee.


Natuwa naman ang mga netizens lalo na ang kanilang mga tagahanga na makita silang masayang nakakapamasyal at nag-e-enjoy sa bawat isa habang sila ay naglalakbay sa magaganda at iba't-ibang lugar.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo