Bryanboy Tinawag Na Katarantaduhan Ang ‘Motivational Rice’ Ni Rendon Labador!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


Bagama't tila nahuhuli na nagbigay pa rin ng kanyang saloobin ang content creator na si Bryanboy sa napapabalitang 'motivational rice' ni Rendon Labador.


Matatandaan na marami ang nagreklamo sa napakamahal ng isang serving ng rice sa resto ni Rendon Labador.


Agad  namang ipinaliwanag ni Rendon ang dahilan kung bakit may kamahalan ang presyo ng ibinibintang rice.


Ayon kay Rendon na hindi lamang umano simpleng kanin ang kanyang ibinibenta may kasama din umano itong motivation para pagsikapan ang future.


“Medyo matagal na akong di nakikisawsaw sa problema ng mahihirap, pero halika, patulan na natin ‘to,” panimulang pahayag ni Bryanboy sa kanyang video.


Muli niyang ipinakita ang pagpapaliwanag ni Rendon tungkol sa kanyang motivational rice. Kung saan sinabi nitong hindi lamangkanin ang binibenta niya kundi maging ang future.


“Katarantaduhan!” reaction ni Bryanboy.


“Para sa akin po, hindi po nakaka-motivate ang 100-peso motivational rice,” saad ni Bryanboy.


“Kung ‘yan lang po ang future ko ‘Oh my God’ nakakatakot, ayoko niyan. Yung standards ko po, medyo mataas. And I’m talking about my present!”


“Yung rice namin galing siya ng Gucci. Bale yung 1 kilo ng rice, this is 20,000 euros, kayo na po mag-convert kung magkano sa pesos.”


“‘Yan po yung rice na ginagamit namin to make chicken arroz caldo… So no, hindi po ako namo-motivate ng 100 pesos, dito po tayo sa 20,000-euro Gucci rice.”


Agad namang umani ng mga nakakatawang reaksyon ang videong ito mula sa mga netizens na halos hindi makapaniwalang may ganoong rice na pala sa panahon ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo