Boobay Inatake Ng Stroke, Habang Nasa Show Ng Fast Talk with Boy Abunda!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Jerome

 


Kinabahan ang audience ng Fast Talk with Boy Abunda, kaninang hapon Huwebes April 20, 23 dahil sa inakala nila na nastroke ang komedyante na si Boobay habang ini-interview ng host na si Boy Abunda.


Bigla nalamang daw kasi itong natulala at hindi na nakapagsalita habang kinakausap ni Tito Boy sa ilang bahagi ng programa.


Naktaka at nagduda ang mga manonood na baka daw muling na stroke si Boobay.


Samantala dalian namang ihininto ng Tv host na si Boy Abunda ang kanilang pag-uusap ng mapansin niyang tila hindi na kumikibo ang komedyante at parang natutulala na ito.


Inakala lamang ni Tito Boy na naging emosyonal lamang si Boobay sa kanyang mga katanungan.


Ngunit tila nataranta na si Boy Abunda ng mapansin niyang tila hindi na normal ang ikinikilos ng komedyanting si Boobay.


Makikita sa video na dalidaling tumayo si Boy Abunda sa kanyang kinauupoan upang alalayan at yakapin ang kanyang guest na si Boobay habang tinatanong niya kung okay lang ba ito.


Ipinagbigay alam naman ni Boy sa mga manonood ng programa ang kondisyon ni Boobay.


Dito nga ay itinigil na ni Boy ang show at habang commercial break ay ipinatawag ni Boy Abunda ang mga nakabantay na medical personnel upang tingnan ang lagay ni Boobay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo