Boobay, Labis Na Nasaktan Sa Biglaan Pakikipaghiwalay Sa Kanya Ni Kent!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Tila tinatago lamang ni Boobay ang sakit na kanyang nararamdaman matapos ang hiwalayan nila ng kanyang long time boyfriend na si Kent Resquir.


Ayon kay Boobay, hindi siya nabigyan ng pagkakataon na ilabas ang lahat ng lungkot na kanyang nararamdaman nang magdesisyon si Kent na tuluyan na silang maghiwalay.


Labis ding ikinabigla ni Boobay ang desisyong iyon ni Kent matapos ang mahigit siyam na taong relasyon. Inakala pa ni Boobay na si Kent ang kanyang forever.


Subalit naglaho itong lahat nang makipaghiwalay na sa kanya ni Kent.


Hindi naman umano siya nagagalit dahil sa pakikipaghiwalay ni Kent pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay napakarami niyang tanong sa dating kasintahan.


Samantala naging bukas naman si Boobay sa panayam niya noon kay Betong Sumaya.


“Hindi ako mananatili roon sa kalungkutan na ipinagkaloob sa akin kasi sa kabila ng mga lungkot na nadarama ko ngayon, may mga blessings na dumating,” simulang pahayag ng stand-up comedian.


“Pero kung tinatanong n’yo ‘yung puso ko, siyempre nasaktan, Kuya Betong. Sino’ng hindi masasaktan?”


Gayunpaman hindi pa rin niya magawang magalit sa kanyang ex dahil nangingibabaw pa rin ang kanyang nararamdaman para rito.


“Kasi nga siguro dahil ang iniisip ko palagi na ‘Balikan mo. Ano ba ‘yung natutunan mo sa taong ‘yon? Ano rin ba ang naibigay sa ‘yo ng taong ‘yon? Sino-sino ba ‘yung mga taong naging parte na rin ng buhay mo simula nang nakilala mo ‘yung taong ‘yon, ‘di ba?’


“Hindi ko pa siya naiiyak, Kuya Betong. Doon din ako thankful at the same time kay Lord kasi hindi niya hinayaan na ma-depress ako,” chika pa ni Boobay.


Dagdag pa niyang kuwento, “Noong nakipag-break siya sa akin, sabi ko ‘Don’t worry. Sige, ibibigay ko na sa ‘yo ‘yan. Birthday gift ko na sa ‘yo dahil ‘yan ang request mo.”


Samantala hiling naman ni Boobay na sana naging masaya si Kent sa desisyon niyang maging single dahil ito umano ang ibinigay sa kanyang dahilan ng pagkikipagkalas nito sa kanya.


“Sana naging tama ‘yung desisyon mo. At nae-enjoy mo muna ang pagiging single. Sana totoo na ‘yun ‘yung reason.


“Alam ko kung gaano siya ka-workaholic. Alam ko kung ano ‘yung pangarap niya for his family.


“Okay lang sa akin ‘yun kahit wala ako roon sa frame, as long as it’s for the family, para sa sarili niya. Sana more pa ‘yung success niya. And syempre laging put your feet on the ground. Sana you don’t forget our memories,” sey ni Boobay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo