Pagsasama Nina Carmina Villaroel At Zoren Legazpi On The Rocks!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng kanyang saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa mga napapalitang may pinagdadaanan ang pagsasama ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legazpi.


Matatandaan na nito lamang nagdaang taon, ipinagdiriwang pa nina Carmina at Zoren Legazpi ang kanilang 10th year wedding anniversary.


Nagsimula ang kanilang dating at relasyon noon pang 2000.


Samantala, umani ng samu't-saring spekulasyon ang ibinahaging cryptic post kamakailan ni Carmina Villaroel tungkol sa pagtitiwala at kasinungalingan.


“The villain plays the victim so well.”


“Don’t trust everything. You see. Even salt looks like sugar.”


Dahil sa ginawa niyang post marami sa mga netizens ang naghinalang may pinag-dadaanan ngayon ang pagsasama nilang dalawa.


Isa sa mga pinaghihinalaan nila ay ang naging co-star ni Zoren sa teleseryeng Apoy Sa Langit, na si Lianne Valentin.


Samantala, nagbigay na rin ng kanyang saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa hinala ng mga netizens sa relasyon nina Carmina at Zoren Legazpi.


Ayon kay Manay Cristy Fermin na walang katotohanan ang kumakalat na isyu at hanggang ngayon ay going strong pa rin ang dalawa.


Dagdag pa niya, “At itong mag-asawang ‘to, nagkikita sa gitna. Parehong magaling sa buhay, marunong humawak ng pananalapi, mapangarap para sa kanilang mga anak. Kaya walang-wala pong problema sa pagitan nina Zoren at Carmina.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo