Matapos Ang 22 Years Na Pagsasama Nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay may Pinagdaraanan silang pagsubok ngayon!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Jerome

 


Matapos Ang 22 Years Na Pagsasama Nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay tila  may Pinagdaraanan silang pagsubok ngayon!


Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga cryptic post ng actress at Tv host vlogger na si Carmina Villarroel.


Ayon nga sa mga netizens na tila si Carmina umano ay nag-ala Priscilla Meirelles, dahil sa kanyang mga hugot at patama, sa pamamagitan ng kanyang social media account.


Nagbahagi kasi ang actress sa kanyang Instagram story ng dalawang quotes, na maykaugnayan sa pagiging kontrabida at pagkakaroon ng tiwala.


Magkasunod niya itong ibinahagi sa kanyang Intagram stories.


Kaya naman nagtaka ang kanyang mga followers, dahil sa hindi naman mahilig magpost ang actress ng mga ganoong quotes.


Napaisip tuloy ang ilan kung para kanino raw ang patamang ito.


Sa kanyang post ay sinabi niya ang mga katagang, "The villain plays the victim so well."


Kasunod naman nito ay nagpahabol pa siya ng mga katagang, "Don't trust everything. You See. Even looks like sugar."


Dahil nga sa post na ito ng actress ay hindi maiwasan ng marami na maisip na kaugnay ito sa pagsubok  na pinagdadaanan umano nilang mag-asawa ngayon.


Kung matatandaan sa isa sa mga episode ng "Sarap Di Ba?" Ay diritsahan niyang kinumpronta ang isa sa mga guest ng show na si Lianne Valentine.


Tinanong niya ito kung totoo ba ang balitang nagkarelasyon ba sila ni Zoren, magkasama kasi ang dalawa sa isang proyekto.


Ikinagulat ni Lianne ang tanong na iyun ni Carmina, pero maayos naman niya iyong sinagot na, "Oo" nga raw silang kaugnayan ni Zoren pero iyun ay sa palabas lamang at hindi sa tunay na buhay.


Ayon naman sa mga netizens ay ang mga patamang ito ni Carmina ay naka konekta sa issue na kinasasangkotan ngayon ng kanyang asawang si Zoren Legaspi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo