Whamos Cruz At Antonette Gail Del Rosario Nagbahagi Ng Kanilang Blessings Sa Mga Studyante!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naghatid ng kasiyahan ang celebrity couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario, nang ibahagi nila sa kanilang social media accounts ang pagtulong sa mga studyante.


Hindi lamang sa pagbibigay ng goodvibes kilala sina Whamos Cruz at kasintahan nitong si Antonette Gail Del Rosario kundi maging sa pagiging matulungin nila sa mga taong nangangailangan.


Hindi man kalakihan ang mga naiaabot nilang tulong, maituturing na isang malaking bagay na ito sa mga taong totoong nangangailangan.


Sa latest video na ibinahagi ng dalawa, makikita silang nagbibigay ng mga libreng school supplies sa maraming studyante.


Nagdonate din sila ng mga standfan para sa mga teachers sa kasagsagan ng mainit na panahon sa bansa.


Agad namang pinuri ng mga netizens ang kabutihang ginawa ng dalawa.


Ayon sa ilang mga netizens na mabuti na lamang may ganitong klase ng tao pa sa ngayon na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.


Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. 


Bukod sa mga viral videos niya sa social media, lalo siyang nakilala nang sumali siya sa "Idol Philippines," kung saan nagustuhan siya ng mga judges. 


Matatandaang naging malaking kontrobersiya noon ang pagkaka-Tulfo ni Whamos nang ireklamo siya ng ina ng kanyang partner na si Antonette Gail Del Rosario


Sa ngayon ay mayroon nang isang anak na lalaki sina Whamos at Antonette Gail na pinangalanan nilang Adriel Meteor Cruz, na naging isang internet star din tulad ng kanyang mga magulang.


Kamakailan lamang ay binantaan ni Antonette Gail ang isang basher na inedit at ginawang katuwaan ang anak.


Ayon kay Antonette, handa nilang paghimasin sa rehas ang taong nasa likod ng pambabatos sa kanilang anak. Ipinunto pa ni Antonette na mali ang ginawa ng basher na pandadamay sa walang muwang na bata.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo