Bimby Aquino May Mensahe Para Sa Mga Tagahanga Ng Ina!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay ng update ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby sa kasalukuyang kalagayan ng ina na nagpapagamot sa US.


Sa Youtube vlog ng showbiz insider na si Ogie Diaz, isiniwalat niya ang pag-uusap nila ni Bimby Aquino kasama ang secretary ni Kris Aquino.


Ayon kay Ogie Diaz, magkikita sana sila ni Kris Aquino subalit dahil sa medication, kinailangan nitong magpahinga kaya ang nakipagkita na lamang umano sa kanya ay ang anak nitong si Bimby at ang secretary nitong si Alvin.


Dito, personal umanong sinabi sa kanya ni Bimby na stable na ngayon ang kalagayan ni Kris Aquino at nadagdagan na rin umano ito ng timbang.


Nagbigay din si Bimby ng mensahe para sa mga tagasuporta ng kanyang ina na naghihintay ng update hinggil sa kalusugan nito at sa pakikipaglaban sa sakit.


“Maraming salamat po and thank you talaga for praying for Mama's good health.”


Ipinangako rin ni Bimby sa lahat na aalagaan niyang mabuti ang kanyang ina.


“Ako, I promise as her son to do everything I can to take care of her, to make her better.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo