Willie Revillame Nagresign Sa ALLTV Dahil Hindi Sinagot Ni Manny Villar!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin online ang napapabalitang pagreresign ng TV-host na si Willie Revillame sa ALLTV.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon isa sa mga naging dahilan ng pagreresign ni Willie Revillame sa nasabing network ay ang pagkakahinto ng kanyang programang Wowowin.


Matatandaan na ilang buwan na ang lumipas ng ipinatigil ng ALLTV ang ilan nilang programa dahil sa kawalan ng sponsors at pangungulilat sa ratings.


Tinanong umano ni Willie Revillame si Manny Villar sa kahihinatnan ng nahinto niyang show sa kabila ng pagkakaroon ng mahinang rating nito.


Hindi naman umano mabigyan ng mga Villar ng solidong sagot si Willie kaya nagbigay ito ng ultimatum para sa pagbabalik ng kanyang show.


Ayon pa sa ilang ulat na naiinip na umano si Willie Revillame sa paghihintay sa pamunuan ng ALLTV upang magawan ng paraan ang kanilang audience reach.


Samantala, wala pa ring ipinalalabas na official statement si Willie Revillame hinggil sa balitang ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo