Kapatid Ni Kim Chiu Hindi Pa Rin Nagkakamalay!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng update ang tinaguriang Chinita Princess na si Kim Chiu, hinggil sa kalagayan ng kanyang Ate Lakam na isinugod sa hospital.


Humihingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga taong nagmemessage sa kanya dahil hindi niya masagot isa-isa. Ayon kay Kim, nakalabas na ICU ang kanyang kapatid subalit hindi pa rin ito nagkakamalay.


Nagpapasalamat naman si Kim sa lahat ng mga tumulong sa pagdadasal para sa paggaling ng kanyang Ate Lakam.


"Thank you for all your prayers for my ate Lakam. Sorry I was not able to reply to each one of you. She is out of ICU last night. She is transfered to a normal room."


"We are waiting for her consciousness to regain. salamat po for praying. Tuloy po sana tayo sa pagdadasal. Thank you po sa inyong lahat."


Matatandaan na malungkot na ibinahagi ni Kim Chiu ang pagkaka-ospital ng kanyang Ate Lakam noong mismong kaarawan niya.


Walang ibang hiniling si Kim Chiu, kundi ang tuluyang paggaling ng kanyang kapatid.


Unang nakilala si Kim Chiu sa mundo ng showbiz nang pumasok siya sa Pinoy Big Brother:Teen Edition kung saan siya  ang itinanghal bilang Big Winner.


Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, hinangaan din si Kim Chiu sa kanyang galing sa pagkanta at pagperform. Kamakailan lamang ay nasungkit ni Kim Chiu ang Best Host Awards.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo