Anak nina Cong. Lani at Sen. Bong Revilla, Pasado Sa Bar Exam!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


 Masaya at proud na ibinahagi ni Cong. Lani Mercado at Sen. Bong Revilla sa kanilang anak na nakapasa sa Bar Exam.


“Just when I thought I already had everything my heart desires…niregaluhan po kami ng aming anak na si Inah ng magandang balita: We have a lawyer in the family! Pasado po sa 2022 Bar Examinations ang aming anak!” caption ni Cong. Lani Mercado sa kanyang Facebook post nitong April 14.


Dagdag pang ipinahayag ni Lani kung gaano siya ka proud sa kanyang anak na si Inah.


Samantala, sa isang Tiktok video ibinahagi naman ni Sen. Bong Revilla ang pag-uusap nila ni Inah upang batiin ang kanyang anak na si Inah sa pagkakapasa sa Bar Exam.


“This is for you,” maririnig na pahayag ni Inah sa telepono na naging dahilan kung bakit naging emosyunal ang senador.


“Abogado na po ang aking anak na si Inah! 👏😊 Thank you, Lord!" masayang pa ng senador.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo