Liza Soberano, Nilibre Si Mimiyuuuh Ng Maletang Halagang P98,800!

Sabado, Abril 15, 2023

/ by Lovely


Sa latest upload vlog ng content creator na si Mimiyuuuh, tila nabudol niya ang actress na si Liza Soberano sa kanyang “Can’t Say No Challenge” kung saan halos P100,000 ang naibigay ng aktres sa kanya.


Unang makikita sa video ang pag-foodtrip ng dalawa, habang kumakain nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag chikahan.


Kabilang sa kanilang napag-usapan ang ilang plano sa kani-kanilang career kung saan naibahagi ni Mimiyuuuh ang target na fashion week appearance sa New York habang pagpundar naman ng property sa Los Angles ang goal ngayon ni Liza.


Makikita rin sa vlog na tila nagkasundo naman ang dalawa at makikita rin na masaya si Liza habang kasama at kachikahan si Mimiyuuuh.


Samantala, binigyan naman ni Liza si Mimiyuuuh ng mga scented candles na nagkakahalagang 5000 at iba pang mga anik-anik.


Subalit ang mas ikinagulat ni Mimiyuuuh ay ang pagbibigay ni Liza sa kanya ng isang maleta na halos umabot sa 100000.


Tila naging highlight naman sa kanilang vlog ang paggamit ni Liza ng Maya App na kasalukuyan niyang ini-endorsong online banking app.


Pinapakita rito ang hassle free na pagbabayad mula sa kanilang pagkain hanggang sa pagshopping.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo