Dahilan Kung Bakit Nag-ala Adan At Eba Sina Aubrey Miles at Troy Sa Palawan!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


 Naging malaking usapin noon sa social media ang paghuhubad nina Aubrey Miles at Troy sa Coron Palawan noong 2018.


Nag-ugat ang lahat ng mismong ibinahagi ng dalawa ang mga larawan nilang nag-ala Adan at Eba sa kani-kanilang social media accounts.


Iginiit naman nila na walang masama sa ginawa nilang paghuhubad dahil solo nila sa mga oras na iyon ang isla.


Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagbahagi sila ng mga hubad nilang katawan online dahil noong nasa Batangas sila ay ganoon rin ang kanilang ginawa.


Samanta sa latest episode ng programa ni Boy Abunda sa GMA7, na Fast Talk With Boy Abunda sinabi ni Aubrey na sa panahong kinukunan sila ng picture ay noong sinusubukan nilang dalawa na magkaroon ng anak.


“Nagta-try kami mag-baby noon. Wala pa si Rocket nung time na ‘yun. Yung time na ‘yun talagang sabi ko, ‘You know what, I just wanna be free’… ‘Yung sa place kasi na ‘yon, wala namang nakakakita.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo