Reaksyon Ni Cristy Fermin Sa Pagbili Ni Vice Ganda at Ion Perez Ng Alagang Aso Na worth P400k

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Jerome

 

Kung dati ay mga maaanghang na mga salita ang ibinabato ni Cristy Fermin sa mag jowang Vice Ganda at Ion Perez kasama na ang pagkakaroon di umano ng mabahong hininga ni Vice.


Ngunit ngayon ay tila nag iba ang timpla ni Cristy dahil sa todo depensa siya ngayon tungkol sa pagbili ng magjowa ng baby na nagkakahalaga 380 thousand pesos.


Noong pagbili nina Vice at Ion ng aso ay binilhan din nila ito ng isang higaan na nagkakahalaga din ng 16,000 pesos.


Ilan naman sa mga reklamo ng mga bashers ay bakit hindi nalang daw nag-adop ang magjowa ng recue dog o kaya ay nagpa-aral na lamang ng mga nangangailangan.


Dumipensa si Cristy sa magjowa bilang isang dog lover. 


Saad niya, "Ako kasi nauunawaan ko ang pagbili ng fur baby nina Vice Ganda at Ion Perez."


"Siguro nga ay parang magiging bayas ako diba, kasi dog lover ako eh, ang buong pamilya namin."


"Ang aso ko po dito sa bahay ay labinglima, sa probinsiya ay mas marami po at talagang mauunawaan po natin ang kaligayahan na ibinibigay ng mga alaga sa ating buhay."


"Kaya hindi dapat bina-bash si Vice Ganda at saka si Ion Perez kung bumili man po sila ng Pomeranian na nagkakahalaga ng 380,000 pesos."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo