Viral! Isang Pari Napaghinalaang May Sinalvage Na Tao!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Nag-viral ang isang pari mula sa Kidapawan City matapos ang balitang ibinandera siya sa isang checkpoint dahil pinaghihinalaan siya ng mga pulis na may dalang bangkay ng isang taong na-salvage sa loob ng kanyang sasakyan.


Nauna rito, pinahinto ng mga pulis sa isang checkpoint ang sasakyan ng pari dahil may nakita silang kahina-hinala na nakabalot sa sack at bubble plastic. 


Inakala ng mga pulis na nakakita sila ng pigura ng katawan ng isang tao na nakabalot sa paraang katulad ng kung paano ibinabalot ng mga patay sa ng ospital.


 Ang paraan ng pagbabalot ay katulad din ng paraan ng pagbalot ng ilang salvage victims matapos i-salvage.


Nang siyasatin ng mga awtoridad ang kahina-hinalang bagay, nagulat sila nang makitang hindi naman ito bangkang kundi isang estatwa ni Kristo. 


Agad namang humingi ng paumanhin ang mga pulis sa pari at ipinaliwanag na inakala nilang karga-karga ng pari ang bangkay ng tao. 


“We’re really sorry, Father, we thought you just salvaged a man,” ayon sa mga pulis.


Pabiro namang sinagot ng pari ang mga pulis at sinabing hindi niya sinalvage si Jesus Christ.


“Sir, just to tell you, I did not salvage Christ,” pahayag ng pari, kalaunan ay nakilalang si Father Jonel Peroy.


Nang maglaon ay natiyak na ang life size na estatwa ni Kristo ay binili ni Padre Jonel sa Digos City, Davao Del Sur para sa mga aktibidad ng Lenten Season na nakatakda sa Cotabato Province. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo