Vina Morales At Cedric Lee Nagkasundo Na Para Sa Kanilang Anak!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely

Nagkasundo ang singer-actress na si Vina Morales at ang dating partner nitong businessman na si Cedric Lee para sa kapakanan ng kanilang anak na si Ceana.


Matatandaan na dumaan sa legal battle sina Vina at Cedric noong 2016, sinampahan ng kaso ng singer-actress ang negosyante dahil sa paglabag umano nito sa court ruling na nagpapahintulot sa kanya ng visitation rights sa kanilang anak.


Sinampahan din naman ng kasong libel ni Cedric Lee si Vina Morales subalit, binasura ito ng korte noong 2020.


Samantala, sa kamakailang interview ng actress isiniwalat niyang nakipagkasundo na siya kay Cedric Lee at iniatras na rin niya ang mga kasong isinampa niya kay Cedric Lee.


 “In God’s time, naayos din. Wala ng cases, finally,” saad ni Vina.


Dagdag pa niya na ang hakbang na ito ay para sa ikabubuti ng kanilang anak.


Sa ngayon ay civil na ang pagtrato nila sa bawat isa at mas nakafocus na lamang sa kung ano ang makakabuti sa kanilang anak na si Ceanna.


Ayon pa kay Vina na mas mabuti nang magmove at isipin  na lamang ang makakapagbigay saya sa kanyang anak.


Ibinahagi rin ni Vina na isa sa nakapagbago sa kanyang mga pananaw ay ang mga karanasan niya noong pandemic.


Nang tanungin kung paano nangyari ang pagkakasundo, sinabi niya na sa korte, pinag-usapan nila ang proseso ng legal na labanan. 


Bukod sa pinansyal na aspeto nito, nakakapagod din dahil dapat silang maglaan ng oras sa mga pagdinig.


“Parang, ano ba yan? Move on na. Ang tagal-tagal na,” saad niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo