Vilma Santos Makikipagcollab Sa Apong Si Baby Peanut!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Sobra ang nararamdamang tuwa ni Vilma Santos sa kanyang apo na si Baby Peanut, kaya naman very excited na siya sa kanyang gagawing collab video kasama ito.


Sobrang tuwa ni Vilma Santos sa bagong larawan na ibinahagi ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa 2nd month photoshoot ng kanilang anak na si Baby Peanut.


Ayon pa kay Vilma Santos na sa personal ay napakakikay na ng kanyang apo at napaka-artistahin. Tila alam na umano nito ang tamang pose upang masiyahan ang mga manonood.


Marami sa mga fans nina Luis Manzano at Jessy ang nag-aabang sa mga inilabas na photos ng dalawa kung saan makikita ang napakaganda nilang anak.


Ngayon pa lamang ay marami na ang nagsasabing napaganda ni Baby Peanut at tiyak na magiging magaling itong artista sa hinaharap.


"I am looking forward when she probably turns seven months or one year old when you see that she's kerengkeng na. I will enjoy her more," pahayag ni Vilma Santos.


Dagdag pa ng ina ni Luis, "Maarte siya. Sa posing niya, you can tell, artista 'to. She's very pretty. I'm so excited. I'm really looking forward when she grows bigger."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo