Aljur Abrenica Gustong Makilatis at Makilala Ang Bagong Boyfriend Ni Kylie Padilla Na Tatoo Artist !

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Jerome


Sa panayam sa actor na si Aljur Abrenica nito lamang February 28, nag pahayag daw ito ng kanyang saloobin tungkol sa dati niyang asawa na si Kylie Padilla. 


Pahayag ni Aljur na never naman daw silang maghihiwalay dahil may mga anak kami, ito daw ang siniguro ng actor sa estado ng relasyon nila ni Kylie Padilla.


Ayon sa actor na maayos na daw ang communication nila ni Kylie at regular daw din silang nakakapag-usap, patungkol sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang mga anak.


Saad niya na, "Ito ang gusto ko sa samahan namin for example mayroong senaryo na di ko alam kung anong gagawin ko sa mga bata siya ang tatawagan ko."


"Siya rin kapag may senaryo na nangyari sa mga bata ako ang tatawagan niya, there's  always a father and mother thing, and never kaming maghihiwalay dahil may mga anak kami, that's the reality."


"Magkikita at magkikita kami lagi nag-uusap kami para sa mga bata, ako lage kaming outdoor adventure when it comes to emotions siya nagpupuno nun."


Samantala kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay nais makilala ni aljur ang napapabalitang boyfriend ngayon ni Kylie na sinasabing isa daw tattoo artist.


Sabi ni Aljur, "Gusto ko talagang malaman kung sino siya, what his doing sa personal na buhay niya"




Dagdag pa ni Aljur, "Siyempre hindi naman puwede na makasama siya na hindi ko siya kilala, hindi ko alam kung anong trabaho niya, kung anong pinaggagawa niya."


"Hindi ko siya kilala on that part I'm try na magtanong kung sino yon, hindi ko siya kilala yun ang wino-worry ko  ngayon."


"Basta sa akin hindi siya ok sa totoo lang, on my part kilala nila si AJ, ito di ko siya kilala, sasabihin ko na hindi ako ok don."

Ito ang mga pahayag ng actor na si Aljur tungkol sa bagong lovelife ngayon ni Kylie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo